2017-10-23

Tuliro


Sana darating din ang pagkakataon
Upang mahalin ka sa tamang panahon
Wala ng pagbabago sa mga desisyon
Buong loob, pag-ibig mong inspirasyon.

Saan hinuhugot taglay mong loob?
Dakilang pag-ibig, alay walang kapalit.
Minsan sa buhay kailangan manaig.
Paninindigan minsan sadyang kay pait.

Walang taong tanga sadya lang dakila.
Puso pinaiiral di baleng mag-isa.
Makita lamang na ika'y masaya.
Pilit lunukin luhang saki'y nakabara.

Tanging hiling nawa maintindihan.
Mundong malikot walang kasiguruhan.
Minsan lamang sa buhay na hiram.
Pagtigil ng tibok, kapayapaan makakamtan.

Related Posts with Thumbnails